National News
Jose Maria College, kinilala bilang role model higher education institution ng CHED
Personal na binisita ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero De Vera ang Jose Maria College (JMC).
Ito ay matapos kilalanin ang JMC College of Medicine bilang role model higher education institution ng CHED at bilang paghahanda din sa limited face to face classes.
Kasabay nito ay nag courtesy visit rin si de Vera kay Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, na siyang founding chairman ng nasabing institusyon.
Kasama nito ang ilan sa mga matataas na opisyal ng CHED mula sa regional at central office sa Davao City.
Isang onsite visit at inspection ang pinangunahan mismo ni CHED chairman de Vera sa JMC, kasama nina Unifast OIC- Executive Director Atty. Ryan l. Estevez, at ng mga technical working group nito sa mga pasilidad ng JMC College of Medicine lalong-lalo na sa mga class rooms at clinical laboratories na gagamitin para sa limited face to face classes nito.
Siniguro rin ng JMC College of Medicine na bukod sa state of the art facilities nito para sa mga studyante, nakasunod rin sa minimum health standard ng Department of Health(DOH) ang mga ipinapatupad nitong health at safety protocols.
Samantala, personal naman na nakapanayam ni Rev. Dr. Pastor Apollo si Ched chairman de Vera sa programa nitong Give Us This Day.
Ilan sa mga isyung natalakay ay ang mga importanteng isyu sa flexible learning, quality at free higher education.
Samantala, pormal naman nang igagawad ng CHED sa JMC ang role model higher education institution award bukas, ika-15 ng Oktubre sa Digos City.
