Connect with us

Judge sa acquittal ng 15 communist leaders sa Inopacan massacre, binatikos ni Pastor Quiboloy

Judge sa acquittal ng 15 communist leaders sa Inopacan massacre, binatikos ni Pastor Quiboloy

National News

Judge sa acquittal ng 15 communist leaders sa Inopacan massacre, binatikos ni Pastor Quiboloy

Binatikos ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang judge na humatol sa kaso ng Inopacan massacre.

Ito’y matapos mapawalang-sala ang 15 mula sa 40 communist leaders at members na kinasuhan sa pagkamatay ng mga biktima ng massacre.

Kabilang sa mga napawalang sala batay sa desisyon ni Manila RTC branch 32 Presiding Judge Thelma Bunyi-Medina ay sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, National Democratic Front Consultants na sina Vicente Ladlad, Rafael Baylosis at Adelberto Silva at iba pa.

Tinatayang nasa mahigit 100 biktima ang pinatay ng rebeldeng NPA sa Sapang Sako, Inopacan, Leyte noong 1980s.

Nahukay ang mga buto ng mga biktima noong Agosto 28, 2006 nang madiskubre ng militar ang naturang mass grave.

Sa pahayag ni Pastor Apollo, sinabi nitong isang kontrabida ng Taumbayan si Judge Medina dahil sa ginawa nitong desisyon.

“Biro mo iyan, 3,700 na pinatay nila, Inopacan Massacre klarung-klaro na na sila ang mga salarin diyan. Eh kung gobyerno, ang ginawa niyan kahit dalawa na ang pinatay nandun na sa un iyan eh binabastos ng gobyerno natin ngayon eh. Tingnan mo 3,700 meron pang mga ebidensya, meron pang mga buto, may mga bungo ng tao hinukay pagkatapos ganitong gagawin ng kontrabidang [judge medina] na ‘to. Kontrabida ka [judge medina], hindi ka mahal ng taumbayan. Lalong napapamahal ngayon ang taumbayan sa inaagrabyado ninyo na lumalaban, sina usec. Lorraine, sina ka eric, itong programa natin, iyan lalong nagiging bida sila.”

Kabilang din sa binatikos ni Pastor Apollo, ang ilang senador at kongresista na humarang sa pondo ng NTF-ELCAC, ang Anti-Insurgency Task Force ng gobyerno.

“Kaya kayong mga nasa gobyerno na takot, mga wala kayong bayag, mga takot kayo eh… Klarung-klaro na, judge ka pagkatapos wala kang tapang na tingnan, magde-demurrer ka pa ng ebidensya klarung-klaro na. Sino ang nagiging kontrabida ngayon? Ikaw, sa taumbayan. Senador, kongresista na hindi sinauli ang ntf-elcac budget o dinagdagan. Kontrabidang-kontrabida kayo. Bida kayo sa cpp-npa kasi natatakot kayo. Pero kami hindi na takot, kasama namin dito ang taumbayan.”

Sa kabila nito, tiniyak ni Pastor Apollo ang patuloy na pagsuporta at pakikipaglaban sa teroristang komunistang CPP-NPA-NDF.

“Huwag kayong matakot at huwag manghina ng loob. Lalong lumalakas tayo sa taong-bayan ngayon. Hindi lang sila kumikibo muna kasi ilang buwan pa lang naman tayo pero tingnan mo ang impluwensyang nagawa natin kontra 53 years na panloloko ng npa, pagpatay ng NPA. Ngayon, ngangatngatin natin ang kanilang impluwensya diyan sa seat of power sa gobyerno, sa Senado, Kongreso, Judiciary, magiging kontrabida kayong lahat pagka kumampi kayo sa CPP-NPA-NDF. Buong mundo, batid iyan sa OFWs natin abroad, wala isa mang kumakampi sa NPA.”

More in National News

Latest News

To Top