COVID-19 UPDATES
JUST IN | Caloocan City health chief, nagpositibo sa COVID-19
Malungkot na kinumpirma ni Mayor Oca Malapitan ang pagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang mismong pinuno ng City Health Department ng Caloocan.
Sa kaniyang facebook post, inihayag ng alkalde na ang nasabing doktor ay nagpakuha ng swab test para sa COVID-19 noong Huwebes, Abril 9 base sa memorandum na lahat ng healthcare workers kahit walang sintomas
Ang nasabing head ay nagpositibo sa COVID-19 bagama’t siya ay asymptomatic.
Kasunod nito tiniyak ni Malapitan na siya ay nakasuporta sa mga doktor, nurses at iba pang frontliners na lungsod.