COVID-19 UPDATES
JUST IN: Caraga Region, nakapagtala ng pinakaunang kaso ng COVID-19
Hindi na COVID-19 free ang Caraga Region.
Ito ay matapos makapagtala ang rehiyon ng kauna-unahang kaso ng sakit na kinumpirma ngayong umaga ng Phillippine Information Agency (PIA) Caraga.
Ayon kay DOH Caraga Regional Director Dr. Jose Llacuna Jr., isang 68-anyos na lalaki ang pasyente mula Butuan City na may diabetes at chronic obstructive lung disease.
Mayroon din aniyang travel history ang pasyente sa Manila noong ikatlong linggo ng Marso.
Sinabi ni Dr. Llacuna na naka-admit ang pasyente sa isa sa mga major hospital sa rehiyon simula pa noong marso 25 matapos magkalagnat, sore throat at ubo.
