Connect with us

Divorce bill, lusot na sa House committee level

Inaprubahan na ng House committee on population and family relations ang panukala para sa pagkakaroon ng absolute divorce at dissolution of marriage sa bansa.

Breaking News

Divorce bill, lusot na sa House committee level

Inaprubahan na ng House committee on population and family relations ang panukala para sa pagkakaroon ng absolute divorce at dissolution of marriage sa bansa.

Ito’y matapos i-invoke ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang Rule 48 kung saan maaaring agad aprubahan ang isang panukala kung ito ay naaprubahan na sa ikatlong pagbasa noong nakaraang Kongreso.

Isang technical working group na pangungunahan ni Lagman ang binuo upang i-consolidate ang tatlong House bills – House bills 100, 838 at 2263 – kasama na ang mga position papers ng iba pang stakeholders.

Ayon kay Lagman, target nilang makapag-sumite ng committee report hinggil dito bago matapos ang buwan ng Pebrero.

Nanindigan naman si Lagman na hindi makasisira sa institusyon ng pamilya oras na maisabatas ang divorce.

Kung tutuusin, ay ie-enhance pa nga nito ang sitwasyon ng pamilya dahil ang mga anak ang nagiging biktima ng mga irreconcilable na pagsasama ng mag-asawa.

Isa na rin sa maitutulong ng Divorce Law ay ang pagkakaroon ng mas maayos na custody ng mga anak.

Mayroon na aniyang mga pag-aaral na isinagawa kung saan lumabas na nananatiling matagumpay o successful sa buhay ang mga anak na may divorced parents.

More in Breaking News

Latest News

To Top