Connect with us

Justice Sec. Aguirre, maghahain ng kaso laban kay Mon Tulfo

Justice Sec. Aguirre, maghahain ng kaso laban kay Mon Tulfo

National News

Justice Sec. Aguirre, maghahain ng kaso laban kay Mon Tulfo

Maghahain ng kasong libel at cyber libel si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II laban kay Philippines Special Envoy to China Ramon Tulfo hinggil sa mga paninira umano nito sa kanya.

Ayon pa kay Aguirre, maraming mga publications ang ginawa ng kampo ni Mon Tulfo upang siraan si Aguirre lalo na ang patungkol sa umano’y pagiging protektor nito sa tinatawag na “pastillas scheme” o ang maramihang pagpasok ng mga Chinese POGO workers kapalit ng pera.

Nabanggit ni Ramon Tulfo na si Alex Chiong ang nagbulgar sa involvement ni Aguirre sa nasabing pastillas scheme.

Binigyang diin din ni Aguirre na si Tulfo ay isang miyembro ng attack, collect, defend collect (ACDC) na klase ng media

Matatandaang, ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ay iniuugnay sa iba pang mga isyu gaya ng prostitusyon at sex traffciking.

More in National News

Latest News

To Top