Connect with us

Justice system sa bansa, may kapalpakan – Valentine Rosales

Kasunod ng pagkadawit ni Valentine Rosales sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, sinabi nitong itinakwil na siya ng kanyang ama dahil sa pag-amin nito ang kanyang tunay na pagkatao.

National News

Justice system sa bansa, may kapalpakan – Valentine Rosales

Kasunod ng pagkadawit ni Valentine Rosales sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, sinabi nitong itinakwil na siya ng kanyang ama dahil sa pag-amin nito sa kanyang tunay na pagkatao.

Batay pa sa kaniyang kwento, sinabi mismo ng kaniyang ama na mas mainam na makulong siya sa kasong rape para mapatunayang lalake ito at hindi ang pagiging bakla.

Mahirap at masakit din aniya ang kanyang kinakaharap sa ngayon dahil umaabot pa sa punto na binabansagan na siyang rapist.

Dahil dito, pinuna ni Rosales ang estado ng justice system sa bansa dahil sa pagkakaipit nila sa kaso na hindi naman nila ginawa.

Aniya, may kapalpakan ang justice system sa bansa dahil kahit proven na wala silang kasalanan ay naiipit parin sila sa kaso.

Matatandaan na tuluyan nang inamin ni Valentine ang tunay nitong pagkatao matapos siyang akusahan ng rape kasama ang mga kaibigan nito.

Kaugnay nito, si Gregorio Rafael De Guzman, isa rin sa mga respondents sa Dacera case.

Humiling ito ng kapayapaan para sa Pamilya Dacera kasabay ng pakiusap na itigil na ang akusasyon dahil hindi nila ito magagawa sa kanilang kaibigan.

Aniya, sinubukan nilang iligtas si Christine pero sila pa ang napasama.

Samantala, sa kanilang pagharap sa media kahapon, iginiit din ng mga abogado ng mga respondents na agad silang nagpadala ng request para makakuha ng mga kopya ng pagsusuri sa katawan ni Christine Dacera matapos ang embalsamasyon nito.

Ayon kay Atty Mike Santiago, kinailangan nilang kumuha ng kopya ng mga pagsusuri bilang ebidensiya sa mga akusasyon sa kanilang mga kliyente na may krimeng panghahalay at pagpatay kay  Dacera.

Pero bigo silang nabigyan ng kopya ng pamunuan ng Makati Medical Center dahil sa patients confidentiality.

Humingi din sila ng kopya ng mga isinagawang imbestigasyon  ng PNP pero bigo din silang mabigyan dahil isinasapinal pa ito ng PNP.

Inaasahang haharap ang grupo ni John Pascual Dela Serna III kasama na si Valentine sa ika-3 ng Pebrero para panumpaan ang mga salaysay nito na walang rape o foul play sa pagkamatay ni Christine.

 

More in National News

Latest News

To Top