Connect with us

Justin Bieber, ibinenta na ang music rights nito sa halagang $200 million

Justin Bieber, ibinenta na ang music rights nito sa halagang $200 million

Showbiz

Justin Bieber, ibinenta na ang music rights nito sa halagang $200 million

Ibinenta na ng pop icon at hitmaker na si Justin Bieber ang kanyang music publishing at catalog shares sa Blackstone-Backed Hipgnosis management sa halagang $200 million.

Kinumpirma ito mismo ng kumpanyang Blackstone matapos ang ilang linggong rumor na ibebenta na umano ng 28 taong gulang na si Bieber ang kanyang music rights.

Matatandaan na bukod kay Justin Bieber ay ibinenta rin nila Justin Timberlake at Shakira ang malaking parte ng kanilang music rights sa Hipgnosis.

Ayon sa deal, nakuha na ng Hipgnosis ang publishing copyrights ni Bieber sa kanyang 290-song back catalog kabilang na ang kanyang writer’s share.

Kasama rin dito ang kanyang artist rights sa kanyang master recordings pati na sa kanyang rights royalties o ang bayad na natatanggap ng may-ari ng kanta kada pinapatugtog ito sa publiko.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top