National News
Justin Brownlee, bumisita kay Speaker Romualdez
Nag-courtesy call kay House Speaker Martin Romualdez ang PBA import na si
Dala nito ang signed basketball bilang token sa lider ng Kamara.
Nagpasalamat naman si Brownlee sa suporta ng Kamara sa kanya at sa kanyang aplikasyon para maging naturalized Filipino citizen.
Nasa 2nd reading na ang panukalang batas para maging naturalized player ng Gilas Pilipinas basketball team si Brownlee para makalaro sa FIBA Basketball World Cup Asian qualifiers sa susunod na taon.
Welcome development naman para kay Romualdez ang pagdalaw sa Kamara ni Brownlee at pagpapakita ng interes nito na katawanin ang bansa sa international games.
‘Speaking of puso, we commend Justin for his desire in joining Gilas Pilipinas in this path, to represent the Philippines which is his home in this corner of the world,’ ani Romualdez.
‘Mabuhay ka, Justin Donta Brownlee! Puso, laban para sa bayan,’ saad ng lider ng Kamara.