Showbiz
K-pop star IU, nasa Pilipinas na
Nandito na sa Pilipinas ang K-pop star na si IU para sa kanyang nakatakdang concert ngayong June 1, 2024.
Nitong May 30 nang dumating ang actress-singer sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.
Gaganapin naman ang kanyang “Hereh” world tour concert sa Sabado sa Philippine Arena, Bulacan.
Ito ang muling pagbabalik ni IU sa Pilipinas mula nang isinagawa nito ang kanyang “Love, Poem” tour sa Araneta Coliseum noong December 13, 2019.
