National News
Ka Eric, Dr. Badoy, nasa ika-2 araw na ng kanilang hunger strike
Nasa ika-2 araw na ng pagsasagawa ng hunger strike o hunger protest sina Jeffrey “Ka Eric” Celis at Dr. Lorraine Badoy.
Sa kaniyang FB post, inihayag nito na ang kanilang hakbang ay bilang protesta sa iligal na pagkaka-detain sa Kamara sa utos ng House Committee on Legal Franchises.
Sinabi din ni Ka Eric na inilipat sila ngayong araw sa South facility building malapit sa South gate ng Batasan Complex.
Mananatili naman ang 2 sa detention facility sa Kamara hangga’t hindi na-aadopt ang committee report ng legislative franchises panel kaugnay sa imbestigasyon ng Kamara sa prangkisa ng SMNI.