Connect with us

Kabataan Party-list, takot mabisto ang umano’y ugnayan sa CPP-NPA-NDF – ELCAC

Kabataan Party-list, takot mabisto ang umano'y ugnayan sa CPP-NPA-NDF – ELCAC

National News

Kabataan Party-list, takot mabisto ang umano’y ugnayan sa CPP-NPA-NDF – ELCAC

Binubuo ng ACT Teachers Party-list, Gabriela Womens Party, at Kabataan Party-list ang Makabayan Bloc ngayon sa Kongreso.

Ang grupo ng mga kongresista na noon pa ma’y itinuturong operatiba ng teroristang grupong Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (CPP/NPA/NDF).

Nitong Lunes, hinatulan si ACT Teachers Rep. France Castro at dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo na guilty sa kasong child abuse dahil sa pagbiyahe ng mga ito sa may 14 na mga kabataang katutubo mula Talaingod, Davao del Norte patungong Maco, Davao de Oro noong 2018.

Isang malaking tagumpay ito ayon sa tagapagsalita ng legal cooperation cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nang tanungin naman kung paano ang mga kasama ni Castro sa Kongreso, isa sa mga nabanggit ni Atty. James Clifford Santos ang Kabataan Partylist.

Nakabinbin pa rin ngayon sa Commission on Elections (COMELEC) ang petition upang kanselahin ang makakaliwang party-list na ito dahil ayon kay Atty. Santos, ilang beses daw naghahain ng motion ang Kabataan nahalatang delaying tactics.

Pero aniya, natatakot lamang ang mga ito na mabisto nang tuluyan.

“Natatakot yung sila yung Kabataan Party-list na mag present ng evidence yung Republic dahil nga we really have a strong roster of witnesses who will be testifying kung ano ang nag yayari sa mga party-list na associated sa CPA-NPA-NDF,” ani Santos.

Ayon naman kay Atty. Marlon Bosantog, dating opisyal ng NTF-ELCAC at ngayo’y national coordinator ng IPRA Center, matibay ang mga ebidensya laban sa Kabataan Party-list.

“There has been a plethora of evidence coming from testimonies of witnesseses oath even during congressional and senate investigation na yung party-list nominees themselves sila, they were selected because they’re high ranking member and all nominees are high rankingmembers of the CPP-NPA-NDF.”

May hamon din si Bosantog sa Kabataan Party-list, kung hindi totoo na sila ay bahagi ng teroristang CPP-NPA-NDF tulad ng mga patotoo ng dating mga kadre.

“Yan ang challenge ko sakanila. If you think that FRs (former rebels) si Alma Gabin for example, Kabataan Party-list founder ng Anak ng Bayan, precursor ng Kabataan Party-list bakit hindi ninyo file-an ng kaso?.”

Samantala, para kay Dr. Lorraine Badoy, dating taga-pagsalita din ng NTF-ELCAC, dumating na ang araw upang maramdaman ng mga kinikilalang kaaway ng estado ang pangil ng batas at matuldukan na ang insurhensya sa bansa.

Saad ni Badoy, “Dumatingna ang araw nila. And It’s wonderful to hear this for a case like this to have happened. My faith in the judicial system is further strengthened. Because ang lakas ng loob nila, sila pa ang nag dedemanda, gamitin ang sistema na ito, yung judicial process natin. We welcome it with open arms. We embrace it.”

More in National News

Latest News

To Top