Breaking News
Kabayan Partylist, lalahok sa 2022 elections
Muling tatakbo ang Kabayan Partylist sa nalalapit na 2022 national and local elections.
Personal na naghain ng kanilang kandidatura ang first nominee ng partido na si Kabayan Rep. Ron Salo.
Kasama rin ni Salo ang 2nd nominee na si Dr. Jondi Flavier, anak ni dating Sen. Juan Flavier.

Naghain ng kandidatura bilang mga nominee ng Kabayan Party-list sina Rep. Ron Salo at Dr. Jondi Flavier sa Comelec.
Ang Kabayan Partylist ang isa sa mga nagsulong para maipasa noon ang Universal Health Care Law.
Kapag makabalik ng kongreso, tiniyak ni Salo na tututukan ang implementasyon ng naturang batas para sa kapakanan ng taumbayan sa gitna ng kinakaharap na krisis sa kalusugan.
“Ako ay umaasa na muling susuportahan ng ating mga kababayan ang KABAYAN Partylist. Makaaasa ang ating mga kababayan na patuloy na isusulong ng KABAYAN Partylist ang mga polisiya at proyektong lalong mag-aangat sa buhay ng bawat Pilipino,” saad ni Salo.
