Connect with us

Kahabaan ng Meralco Ave. sa Pasig City, isasara hanggang 2028

Bahagi ng Meralco Ave., isasara para sa groundbreaking ceremony ng subway project

Metro News

Kahabaan ng Meralco Ave. sa Pasig City, isasara hanggang 2028

Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng mahabang panahon na road closure sa bahagi ng Pasig City.

Ang naturang road closure ay isasagawa sa bahagi ng Meralco Avenue ng lungsod, ito ay upang bigyang daan ang Metro Manila Subway Project.

Sa abiso ng DOTr, iwasan na ang pagdaan sa Meralco Avenue simula ngayong Oktubre 3, 2022 ng alas 9 ng gabi at magtatagal hanggang sa 2028.

Sasaklawin ng pagsasara ng kalsada ang front section ng Capitol Commons hanggang sa kanto ng Shaw Boulevard.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta na ibinihay ng MMDA, LTFRB at gayundin ang lokal na pamahalaan ng Pasig at Mandaluyong.

Ang mga public utility jeepneys na mula sa Meralco Avenue at patungong ng Shaw Boulevard ay dadaan na sa Captain Henry Javier St hanggang sa Danny Floro st at vice versa.

Habang ang mga modernized jeepneys naman na mula sa Meralco Avenue at patungo ng Shaw Boulevard ay dadaan na sa San Miguel Avenue at vice versa.

Maging ang mga UV express vehicles na mula rin sa Meralco Avenue na patungong Shaw Boulevard ay dadaan na sa Julia Vargas Avenue hanggang sa San Miguel Avenue o di kayay sa Anda Road hanggang sa Camino Verde.

Nabatid na ang Metro Manila Subway Project ay ang unang underground railway system sa bansa.

Ang 33-kilometer subway system ay umaabot sa Valenzuela City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City.

Kung saan, magpapa-baba ito sa oras ng biyahe sa pagitan ng Quezon City qt Naia mula 1 oras at 10 minuto – 35 minuto na lamang.

Sa oras na maging operational ang nasabing undergroud railway system, tatawid ito sa 8 syudad sa Metro Manila at dadaan sa tatlong business district kung saan tinatayang nasa 370,000 pasahero ang maseserbisyuhan araw-araw.

More in Metro News

Latest News

To Top