Connect with us

Kahalagahan ng kahandaan at pagsasanay, ipinaalala ni PA Chief Gen. Roy Galido sa tropa ng 3rd IB

Kahalagahan ng kahandaan at pagsasanay, ipinaalala ni PA Chief Gen. Roy Galido sa tropa ng 3rd IB

Regional

Kahalagahan ng kahandaan at pagsasanay, ipinaalala ni PA Chief Gen. Roy Galido sa tropa ng 3rd IB

Ipinagdiwang ng 3rd Infantry Division ang kanilang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag kasama ang commanding general ng Philippine Army (PA) na si LtGen. Roy M. Galido bilang guest of honor.

Ang selebrasyon ay ginanap sa 3ID Grandstand, Camp General Macario B. Peralta Jr., Jamindan, Capiz.

Dito ay binigyan ng parangal ni CGPA Galido ang mga personalidad ng 3ID bilang pagkilala sa kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa kanilang mandato at responsibilidad sa mamamayan at sa bayan.

Sa talumpati ni Army Chief Galido, pinuri nito ang tropa ng 3ID dahil nagsisilbi itong haligi sa pagpapalakas ng seguridad ng bansa lalo na sa pagiging katuwang nito sa lahat ng ahensya ng pamahalaan sa pagkamit ng kapayapaan at kaunlaran sa Visayas Region.

Hinikayat din ng opisyal ang mga sundalo na lalo pang pag-ibayuhin at palakasin ang kanilang mga ginagawang pagsasanay.

More in Regional

Latest News

To Top