Connect with us

Kahalagahan ng peace and order sa economic growth, binigyang diin ng ekonomista

Kahalagahan ng peace and order sa economic growth, binigyang diin ng ekonomista

National News

Kahalagahan ng peace and order sa economic growth, binigyang diin ng ekonomista

Isinalaysay ng ekonomistang kongresista na si Joey Salceda ang kahalagan ng peace and order para sa economic growth.

Pati na ang laban ng pamahalaan laban sa CPP-NPA-NDF.

Para kay Salceda, ‘infinite’ o walang hanggan na economic gains ang hatid kapag kontrolado ng estado and peace and order.

“Kasi the economic return to peace and order is infinite. In simple language, if there is conflict there is no business. In short once there is no conflict, in zero biglang magkakaroon ka ng isang sari-sari store. So meron nang negosyo, hindi na kailangang bumaba ka pa sa poblasyon para makabili ka ng basic essentials mo,” ani Salceda.

Paliwanag pa ni Salceda, peace and order ang isa sa malaking susi para mapababa ang poverty incidence sa bansa.

Bagay na nais mangyari ni Pangulong Bongbong Marcos.

“We have a poverty rate of 23.7% and ang sabi po ni President Bongbong Marcos gusto niyang ibaba to 9%. So that means from 25 million he wants to bring it down to 10 million. That’s a lot of number-15 million. So in numbers, that is P270-Billion income gap that needs to be spent every year to keep these people from falling back to poverty. So one of the things to keep it is through peace and order. Kasi mabigyan mo na ngayon ng pera, may pambili na siya ng kakainin niya let’s say for this day, eh once madisrupt na naman yung kanya pong pag-ikot ng ekonomiya doon sa kanilang barangay o doon sa kanilang lugar eh mabubura lang po ‘yung gains natin,” dagdag pa nito.

Binigyang diin ni Salceda na kailangang maipagpatuloy ang gains ng Duterte administration sa peace and order.

Lalo na ang laban sa CPP-NPA-NDF.

“Under President Duterte naman, there has been so much gains in regaining control of mga geographicaly isolated and disadvantaged areas. So ako personally, I support NTF-ELCAC. Because you bring development and therefore you solidify the gains in peace and order in these areas,” giit pa ng kongresista.

Kampante naman si Salceda na hindi pababayaan ng Marcos administration ang peace and order at insurgency problem ng bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top