Connect with us

Kahalagahan ng rainwater catchment facilities, tinalakay sa Senado

Kahalagahan ng rainwater catchment facilities, tinalakay sa Senado

National News

Kahalagahan ng rainwater catchment facilities, tinalakay sa Senado

Gumulong na sa Senado araw ng Miyerkules, Agosto 23, ang talakayan para sa pagtatatag ng rainwater harvesting facility sa lahat ng bagong institutional, commercial, industrial, at residential development projects.

Binigyang-diin ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., chairperson ng Committee on Public Works, ang kahalagahan ng pag-utilize ng tubig-ulan bilang isa sa mabisang solusyon upang matugunan ang patuloy na problema ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ipinaliwanag ni Revilla na ang rainwater harvesting facilities na ikakabit sa mga bagong development projects ay magpapalaki sa suplay ng tubig sa maraming lugar habang magsisilbi ring pansamantalang catchment kaya maiiwasan ang pagbaha.

“Naniniwala ako na malaki ang maitutulong ng rainwater harvesting facilities para magkaroon ng ipunan ng tubig sa mga lugar na may kakulangan sa tubig,” ayon kay Sen. Bong Revilla.

Sa pagdinig ay kabilang sa natalakay ay ang Senate Bill 990 ni Revilla na ipinag-uutos sa mga project developer ang pagtatayo ng maayos na sistema ng rain catchment facility.

Sa nasabing panukala, required sa bawat proyekto na magkaroon ng water storage tank na akma sa lawak nito.

Ito ay makukuha sa pamamagitan ng pag divide ng building footprint ng 75 cubic meters.

Samantala, nakasaad rin sa panukala na ang mga project developers para sa mga itatayong commercial, industrial, at residential development o anumang residential multi-dwelling units na higit sa 1-K square meters ang lapad ay required na magsumite ng Rainwater Management Plan bilang bahagi ng site development application at proseso ng pag-apruba.

Samantala, nang tinanong naman ni Revilla ang Department of Public Works and Highways (DPWH) kung ano ang kanilang kasalukuyang proyekto na kakabitan ng rainwater harvesting ay inilahad ng DPWH na target ng kanilang Rainwater Collection System (RWCS) Project ang mga pampublikong paaralan.

Sa isang pahayag noong nakaraang taon, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang administrasyon na magtayo ng malalaking water impounding facility sa labas ng Metro Manila upang matugunan ang parehong pagbaha at kakulangan ng tubig.

Sinabi ni Marcos na sa pamamagitan ng mga water-impounding facility na ito, matutugunan ang pagbaha sa Metro Manila.

Ang tubig-ulan na nakolekta ay maaaring gamitin para sa agrikultura, lalo na sa irigasyon, kapag kinakailangan.

More in National News

Latest News

To Top