Metro News
Kahandaan ng gobyerno para matugunan ang inaasahang kakulangan sa tubig ngayong taon, ipinasisiyasat
Pinasisiyasat ni Senador Joel Villanueva ang kahandaan ng gobyerno para matugunan ang inaasahaang kakulangan sa tubig ngayong taon.
Sa inihaing Senate Resolution 329 ni Villanueva, nais nito na malaman kung mas handa na ang mga ahensya ng gobyerno at stakeholders para maiwasan ang negatibong epekto ng inaasahang water shortage ngayong panahon ng tag-init.
Tinukoy din sa resolusyon ang mga problema sa water shortage na naranasan ng iba’t ibang establisyemento noong nakaraang taon gaya ng ilang ospital.
Humihingi rin ng updates ang senador sa mga natapos, isinasagawa at pipelined projects ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) gaya ng Bulacan Bulk Water Supply Project, Kaliwa Dam, at ang Ipo Dam 3 project.