National News
Kahirapan, nararamdaman ng 47% Pinoy – SWS
Ramdam ng 47% na mga Pilipino ang kahirapan ayon sa isang survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa resulta ng kanilang survey noong December 8 – 11, 2023, katumbas ang 47% sa 13-M pamilyang Pilipino na ikinikonsidera ang kanilang sarili na mahirap.
Pinakamarami sa mga Pilipinong ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap ay sa Mindanao na may 61%.
Sinundan ito ng Visayas na may 58%; balance Luzon na may 39%; at Metro Manila na may 37%.
Noong September 2023 na survey sa kaparehong paksa, nasa 48% ang mga Pilipinong ikinokonsidera ang kanilang sarili na mahirap.
