National News
Kakayahan ng PH Navy at PCG, kailangang maiangat – defense chief
Kailangang magkasabay na maiangat ang kakayahan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG).
Ito ang iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasunod ng pangha-harass ng China sa resupply mission ng bansa sa Ayungin Shoal noong Biyernes, Setyembre 8, 2023
Ayon kay Teodoro, bagama’t hindi gumamit ng water cannon ang Chinese Coast Guard (CCG) ay lubhang mapanganib ang ginawa nitong pagharang sa 2 barko ng PCG na nagbantay sa 2 supply boat ng bansa.
Nananatili aniyang opsyon ang paggamit ng barko ng PH Navy para magbantay sa mga ginagamit na supply boat sa Ayungin Shoal.
Pero hinihintay pa ni Teodoro ang magiging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng National Security Council (NSC) sa nasabing usapin.
