Kingdom News
Kalamidad sa Pilipinas, hatol ng langit sa Marcos Jr. admin
Tila isang hatol mula sa itaas sa kasalukuyang administrasyon ang nangyaring malawakang pagbaha sa Metro Manila.
Ito ay matapos pumalpak ang libu-libong flood control projects na iniyabang ni Bongbong Marcos Jr. sa ikatlo niyang State of the Nation Address (SONA).
Paalala ng KOJC Executive Secretary Sis. Eleanor Cardona sa mga nasa gobyerno na tila nalalasing na sa kapangyarihan at nakalimot na sa tunay na diwa ng serbisyo publiko, “Nagsasalita ‘yung presidente natin pero may hustisya kasi ang langit, ‘God is watching’ so sa nangyayari ngayon makikita natin, ipinapakita sa mukha natin anong klaseng pamahalaan mayroon, anong klaseng utak ng leader mayroon.”
“Huwag na nating hintayin na mayroon pang kalamidad. Kasi sa nangyayari ngayon. We know that God is intervining in this country,” saad pa nito.
Pagpapakita rin aniya ng hatol ng langit sa pamamahala ng bansa ang nagging resulta ng malawakang pagbaha na nagdulot ng state of calamity sa iba’t ibang bahagi ng Luzon dahil sa epekto ng malakas na buhos ng ulan dulot ng habagat at bagyong Carina.
“Talagang ang diyos na rin ang parang nag intervine. Totoo, kasi sa mga nangyayari ngayon kagaya nga ang ‘nature’ na, ang ‘nature’ na ngayon ang humuhusga sa mga sinasabi ng ating presidente.” ani Cardona.
Samantala, pinuna naman ng mga SMNI Anchor Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz ang palpak na disaster response ng gobyerno, “Hindi niyo ba nararamdaman ito? 30hrs bago nagre-act ang presidente and the only thing that he can do is magkaway-kaway sa military truck at magbigay ng abubot at burluloy sa mga tao. And he cannot command on conference how to orchestrate a whole government mobilization in times of crisis. Failure of leadership, miserable failure of governance ang nakikita natin kay Mr. Marcos.”
Sa huli ay hinimok ng KOJC ang publiko na gumising na, at huwag nang hintayin na maulit ang sakuna na sinapit dahil sa bigong pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.
Paalala naman ng KOJC sa mga nasa likod ng mga hakbang upang pabagsakin si Pastor Apollo C. Quiboloy at KOJC na hindi kailanman mananaig ang kasamaan.
