Connect with us

Kalayaan sa pamamahayag, isinusulong sa bawat Maisug Rally

Kalayaan sa pamamahayag, isinusulong sa bawat Maisug Rally

National News

Kalayaan sa pamamahayag, isinusulong sa bawat Maisug Rally

Ang malayang pagpapahayag ay karapatan ng bawat mamamayan, lalo na at tayo’y isang demokratikong bansa at bahagi ng kalayaang ito ang karapatan nating magsalita at ipahayag ang ating mga saloobin at hinaing.

Ito ang garantiya sa atin ng Saligang Batas.

Pero para sa mga kritiko ng pamahalaan bakit tila hindi naman nila dama ang karapatan sa kalayaang ito?

“Nandito tayo sa Japan ngayon para makiisa para alam nila ang nangyayaring pangaapi, panggigipit sa poder ang katiwalian sa gobyerno ay garapalan at ‘yung oppression sa Saligang Batas na napakahalaga sa karapatan natin ang bill of rights.”

“May panahon na tumatahimik tayo at may panahon na dapat tayo ay nagsasalita. So, sa panahon na nagsasalita tayo, pinapatahimik tayo ng mapagsupil na Marcos administration. Umaabot tayo dito sa Japan kasama natin ang mga kababayan natin at maraming salamat at nagsasalita tayo at hindi tayo pumapayag,” ayon kay Maisug Rally, Speaker Dr. Lorraine Badoy.

Nasa Japan ngayon si Dr. Lorraine Badoy, ang dating tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ng Duterte administration para isulong ang malayang pamamahayag sa gaganaping hakbang ng Maisug Japan.

“Nandito tayo ngayon para magprotesta maglalabas ng saloobin dahil sa Pilipinas ngayon bawal magsalita at magpahayag ng malaya tinanggal na ni Bonbong Marcos ang mga karapatan na ‘yan.”

“Ang totoong malaya ay hindi humihingi ng permiso, so lahat tayo hindi humihingi ng permiso sa kahit na sino ipapaalala natin sa sarili at sa isa’t isa at lalong lalo na sa mapang api na presidenteng ito kung sino ang may kapangyarihan at ‘yan ang Pilipino ang taumbayan na nagbigay ng tiwala sa kaniya trinatraydor niya tayo so kailangan tayo na magsalita ng mapayapa at isang boses para marinig tayo, marinig natin ang isa’t isa at ng pangulong ito,” sabi pa ni Badoy.

Ngayong Sabado, Hunyo 8 daan-daang mga Pilipino ang dadalo sa Maisug Rally na gaganapin sa Saitama Hall para makiisa sa adbokasiya nitong maipaabot sa bawat Pilipino saan mang panig ng mundo.

Ilan sa mga Pilipinong dadalo ay luluwas pa sa Saitama para daluhan ang pagtitipon.

Ang Japan ang tahanan ng mahigit sa 300-K Pilipino batay na rin sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) as of December 2023.

Maliban kay Badoy, inaasahan ding dadalo si dating Presidential Spokesperson Harry Roque at dating Executive Secretary Vic Rodriguez.

Naniniwala ang mga kababayan natin dito sa Japan na pagdating sa pagmamahal at malasakit sa bansa ay hindi kayang malimitahan dahil sa malayo sila sa bansang kanilang sinilangan kaya bukas magsasamasama sila para ipahayag ang kanilang tunay na saloobin.

More in National News

Latest News

To Top