Connect with us

Kaligtasan, dapat matutukan sakaling maisaligal ang motorcycle taxis — LTO

Kaligtasan ang importante kung maisaligal ang habal-habal. Ito ang binigyang-diin ni Atty. Alex Abaton, ang director ng LTO

National News

Kaligtasan, dapat matutukan sakaling maisaligal ang motorcycle taxis — LTO

Kaligtasan ang importante kung maisasabatas o maisaligal ang motorcycle taxi o habal-habal.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Alex Abaton, ang director ng Land Transportation Office (LTO) sa panayam ng Sonshine Radio.

Sa ngayon, nasa ilalim pa ng pilot study ang motorcycle taxis kahit pa kung tutuusin ay matagal na itong naging alternative transportation.

“Under the law po ang sinasabi lang po diyan ang ina-allow lang po na passenger diyan, isa lang po. One driver and a one back rider, pero niyan, minsan ay nagsasakay nang anim, pito, walo, by adding that kind of extension, nalalagay po sa panganib ‘yung ating mga sakay niyan. Nakita mo naman, halos lima ‘yung pasahero, wala na rin pong nagsusuot ng helmet so practicaly ito ‘yung kailangan din natin maipaabot sa ating mga kababayan. Mas mapalakas pa po natin ‘yung ating mga awareness information na ito’y hindi po ligtas sa bilang biyahe,” ani Abaton.

Suportado naman ni Abaton na maisabatas ang motorcycle taxi dahil nagsisilbi itong alternatibong sasakyan lalong-lalo na sa mga lugar na wala pang gaanong maayos na mode of transportation.

“Kapag sila po’y legal na magkakaroon na po tayo ng regulatory issuances na halimbawa bago mai-allow ang isang habal-habal or motorcycle taxi, kailangan sumunod po doon sa mga safety protocols po natin. Una, ‘yung mandatory na gamitin po natin ‘yung pagsusugpo ng helmet, pangalawa, gagawin din po natin dun sa panukala na dapat lahat nung sakay or passenger ay covered po ng insurance ‘yan at under po ng prevailing situation now na hindi papo sila ligal, wala pong ganyang nangyayaring kalakaran,” dagdag pa nito.

Kung matatandaan, sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules, nagkaisa sina The Passenger Forum Convener Primo Morillo, Infrawatch Convener Terry Ridon, Move It General Manager Wayne Jacinto kasama si Director Abaton na maipasa na ang motorcycle taxi bill upang maayos nang ma-regulate ng bansa ang motorcycle taxis.

More in National News

Latest News

To Top