National News
Kalusugan ni Pangulong Duterte, ang dahilan ng pag-atras nito – Sec. Panelo
Kalusugan ang dahilan kung bakit hindi na itutuloy si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-senador sa 2022.
Ito ang ibinahagi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kasunod ng pag-atras ng pangulo.
Sinabi umano ng pangulo sa kanya, nag-aalala ang pamilya nito para sa kanyang kalusugan lalo na’t matanda na sya.
Payo ng mga miyembro ng pamilya umano ng Chief Executive, magpahinga nalang ito.
Sumang-ayon rin ang pangulo sa payo dahil naniniwala siyang siguro’y panahon na nga niyang magpahinga mula sa trabaho.
Denipensahan naman ni Panelo ang hinggil sa umano’y hindi alam ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang pag-atras ng kanyang ama.
Ani Panelo, naging busy lang si Inday Sara sa pangangampanya habang nakapokus naman ang pangulo sa kanyang trabaho.
Bago umatras si Pangulong Duterte, nasa unang listahan ni Inday Sara ang kanyang ama na e-iindorso sana nito para sa pagkasenador sa 2022.