National News
Kamara, nilinaw na wala pang pormal na committee hearing para sa ABS- CBN franchise bill
Nilinaw ni House Committee on Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez na wala pang pormal na pagdinig ang komite para sa sa kabila ng pagdaraos ng committee hearing ngayon sa Kamara.
Paglilinaw ni Alvarez, nagmosyon lamang ito bilang chairman ng komite para tanggapin ang position papers ng mga kongresista patungkol sa renewal ng prangkisa ng giant network.
Nilinaw din ni Alvarez na wala sa agenda ng pagdinig ng Komite ngayong umaga ang ABS-CBN dahil tatalakayin pa ng mga myembro ang merito ng mga pro at against sa franchise renewal ng Kapamilya network.
Aniya, matatagalan din pa ang pagbusisi dito dahil pag-aaralan pa ng komite ang lahat ng issue.
Kaya ang labas, masusunod ang naunang schedule na ibinigay ni House Speaker Alan Peter Cayetano na posibleng pagkatapos pa ng SONA o sa Agosto pa matatalakay sa committee level ang prangkisa ng network giant.
Nasa 30-60 na araw ang palugit sa lahat ng pro and anti ABS-CBN na magsumite ng kanilang position papers para mapag-aralan ng komite sa lalong madaling panahon.