National News
Kamara, walang pressure sa imbestigasyon ng Senado sa prangkisa ng ABS-CBN
Walang pressure ang Kamara sa ginawang imbestigasyon ng Senado sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Franz Alvarez, nirerespeto nila ang separation of powers ng dalawang kapulungan kaya hindi sila padadala sa pressure na magsagawa ng sariling hearing.
Mayroon naman aniyang hiwalay na imbestigasyon dito ang Kamara at oobserbahan nila kung anuman ang magiging resulta ng pagsisiyasat ng Senado.
Sa kasalukuyan ay mayroong 11 panukala na nakabinbin sa Kamara na nag-eendorso sa franchise renewal ng giant network at hindi pa ito natatalakay kahit na nakatakda itong mag expire sa Mayo 4.
Tiniyak naman ng chairman ng komite na aaksyunan nila ang nasabing isyu sa pagitan ng Mayo Agosto ng kasalukuyang taon.
