Connect with us

Kampo ni Marcos, nakatakdang talakayin ang proseso ng ‘presidential transition’

Kampo ni Marcos, nakatakdang talakayin ang proseso ng 'presidential transition'

National News

Kampo ni Marcos, nakatakdang talakayin ang proseso ng ‘presidential transition’

Nakatakdang magsagawa nang pagpupulong ang kampo ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang talakayin ang transition process.

Ayon spokesperson ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez, magsasagawa sila ng pagpupulong ngayong araw para pag-usapan ang komposisyon ng transition team at agenda ng susunod na administrasyon.

Hindi pa aniya sila nakatanggap ng pormal na komunikasyon mula kay Pang. Rodrigo Roa Duterte hinggil sa transition.

Sinabi ni Rodriguez na hindi pa napag-uusapan ng kampo ni BBM kung sino ang posibleng kunin na mga cabinet member.

Ani Rodriguez, abala pa rin ang kampo ni BBM sa mga trabaho na may kaugnayan sa eleksyon.

More in National News

Latest News

To Top