Connect with us

Kampo ni Teves, aapela sa Timor Leste

Kampo ni Teves, aapela sa Timor Leste

National News

Kampo ni Teves, aapela sa Timor Leste

Aapela sa Timor Leste ang kampo ni dating Congressman Arnie Teves hinggil sa extradition order na inilabas ng kanilang gobyerno laban sa kanya.

Sa katunayan ayon sa abogado ni Teves na si Ferdinand Topacio, mayroon pa aniyang “political asylum” bilang opsyon.

Sakali namang tuluyang makauwi si Teves sa Pilipinas dahil sa extradition, sinabi ni Topacio na kailangan paring patunayan ng Department of Justice (DOJ) na guilty ang dating congressman.

Ito’y dahil mayroong mga witness na bumaliktad at sinabing pinilit lang silang magtestimonya laban kay Teves.

Nitong Huwebes, June 27 ng kumpirmahin ng DOJ ang extradition order ng Timor Leste kay Teves.

More in National News

Latest News

To Top