Connect with us

Kampo ni Vhong Navarro, maghahain ng motion for reconsideration

Kampo ni Vhong Navarro, maghahain ng motion for reconsideration

Showbiz

Kampo ni Vhong Navarro, maghahain ng motion for reconsideration

Kinumpirma ni Atty. Alma Mallongga, abogado ng aktor na si Ferdinand Navarro alyas Vhong Navarro na maghahain sila ng motion for reconsideration kaugnay sa dalawang kasong kinakaharap ng actor/comedian.

Ito ay matapos na naglabas ng warrant of arrest kahapon ng umaga ang Taguig Regional Trial Court Branch 116 para sa kasong Acts of Lasciviousness na agad namang piniyansahan sa halagang P36,000.

Pasado alas-5 naman ng hapon ay naglabas ng panibagong warrant of arrest ang Branch 69 para naman sa kasong rape na isang non-bailable offense na isinampa rin ng complainant na modelong si Deniece Cornejo.

Makaraan namang boluntaryong sumuko ay pansamantalang nasa kusyodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) si Navarro habang ipinoproseso ang return of the warrant sa korte para matukoy kung saang piitan ito ikukulong.

Continue Reading
You may also like...

More in Showbiz

Latest News

To Top