Connect with us

Kanselasyon ng COC ni BBM sa Comelec, binasura

Kanselasyon ng COC ni BBM sa Comelec, binasura Ibinasura ng Comelec 2nd Division ang petisyon na humihiling na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni dating senador Bongbong Marcos dahil sa "material misrepresentation". Ang mismong nagpahayag ng desisyon ng Comelec 2nd Division ay ang petitioner laban kay Bongbong Marcos na si atty. Theodore Te. Sa kanyang Twitter post, inihayag ni Atty. Te na natanggap nila ang desisyon ng petisyon kaninang 9:50 am, Enero 17. Dagdag pa ni Te, hindi nila sinasang-ayunan ang naturang desiyon ng Comelec 2nd division at magpapasaklolo na sila sa En Banc. Hindi naman inilatag ni Te kung ano ang kanilang grounds para sa kanilang ihahaing motion for reconsideration.

National News

Kanselasyon ng COC ni BBM sa Comelec, binasura

Ibinasura ng Comelec 2nd Division ang petisyon na humihiling na kanselahin ang certificate of candidacy  (COC) ni dating senador Bongbong Marcos dahil sa “material misrepresentation”.

Ang mismong nagpahayag ng desisyon ng Comelec 2nd Division ay ang petitioner laban kay Bongbong Marcos na si atty. Theodore Te.

Sa kanyang Twitter post, inihayag ni Atty. Te na natanggap nila ang desisyon ng petisyon kaninang 9:50 am, Enero 17.

Dagdag pa ni Te, hindi nila sinasang-ayunan ang naturang desiyon ng Comelec 2nd division at magpapasaklolo na sila sa En Banc.

Hindi naman inilatag ni Te kung ano ang kanilang grounds para sa kanilang ihahaing motion for reconsideration.

More in National News

Latest News

To Top