Connect with us

Mga anomalyang kinasasangkutan ng KAPA, unti-unting nauungkat

National News

Mga anomalyang kinasasangkutan ng KAPA, unti-unting nauungkat

Unti-unting nauungkat ang mga anomalyang kinasasangkutan ng KAPA Community Ministry International Inc. habang patuloy na iniimbistigahan ng awtoridad ang kanilang gawain katulad na lamang ang pagkakaroon ng private army.

Sa panayam ng SMNI News kay  PBA Partylist Rep. Koko Nograles, sinabi nitong dapat masilip ang lahat ng mga iregularidad ng grupo na pinamumunuan ni Pastor Joel Apolinario.

Nabatid na samut-saring matataas na kalibre ng armas ang nakumpiska ng awtoridad katulad ng M60 machine gun at iba pang high powered fire-arms.

Mayroon pang naka-deploy na sniper sa itaas ng pinagtataguan nitong bahay .

Si Apolinario ay nahuli sa isang maliit na isla sa bayan ng Lingig Surigao del Sur kasama ang umanoy private army nito.

Dahil diyan, panawagan ni Nograles na magkaroon ng malalimang imbestigasyon kung saan nanggaling ang mga baril at kung sino ang may-ari ng islang pinagtaguan ng kampo ni  Apolinario.

Sinabi rin ni Nograles na dapat maimbestigahan ang mga known assets ng KAPA maging ang kanilang mga bank account.

Mistulang naghahanda aniya ang pangkat ni Apolinario para labanan ang gobyerno- taliwas sa bansag ni Apolinario sa sarili nito bilang pastor.

Nilinaw naman ni Nograles na sinisilip pa ng anti-terrorism council ang pagkakaroon ng private army nito kung ikonsidera nila itong aktibidad ng isang terorista.

Giniit pa nito, walang piyansa para sa kasong syndicated estafa at iba pang mga kaso laban kay Apolinario na mahigit isan taong din nagtago sa batas.

Kaugnay nito, dapat din ani Nograles na matutukan at maaksyunan ang mga fake news na nagsilutangan sa mga social media patungkol sa KAPA na  labag na sa community standards.

Samanatala, may mensahe naman ang mambabatas sa mga naloko ng KAPA at nag-invest ng kanilang mga pera.

Aniya, “Huwag na po kayong umasa na makakuha kayo ulit sa KAPA dahil wala na po iyan. Wala na po talaga yung KAPA. Maraming umiikot na fake news na mababawi ninyo at mababayaran kayo ng KAPA. Hindi po iyan totoo, yung tanging pag-asa po ninyo ay makukuha ninyo sa korte, dito, kaso na syndicated estafa pero kailangan po ninyong magpa-register sa mga pulis at saka sa mga law enforcers kung magkano ba ang inyong na-invest para malaman nila na ikaw ay kasama sa mga nabiktima doon.”

Matatandaan na libo-libong Pilipino lalo na sa Visayas at Mindanao ang naloko ng ponzi scheme ni Apolinario sa ilalim ng itinayo nitong simbahan na KAPA Community Ministry International Inc.

More in National News

Latest News

To Top