Connect with us

KAPA founder Joel Apolinario at iba pang opisyales, ipinapaaresto na ng korte

National News

KAPA founder Joel Apolinario at iba pang opisyales, ipinapaaresto na ng korte

Ipinapaaresto na ng Bislig City Regional Trial Court branch 29 ang pag-aresto kay founder ng KAPA Community Ministry International na si Pastor Joel Apolinario at iba pang opisyales nito.

Inilabas ang warrant of arrest kahapon (Feb.11) dahil sa kasong may kinalaman sa malawakang investmest scam ng KAPA.

Samantala kabilang din sa ipinaaaresto ang asawa ni Joel na si Reyna Apolinario na tumatayong corporate secretary, trustee na si Margie Danao, maging sina Marisol Diaz; Adelfa Fernandico; Moises Mopia; at Reniones Catubigan.

Ang warrants of arrest ay inilabas ng Bislig City RTC makaraang nagsampa ang Department of Justice ng criminal charges laban sa KAPA dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8799, o Securities Regulation Code.

Magugunitang June 2019 ay mismong si Pang. Rodrigo Duterte ang nag-utos na ipasara ang KAPA dahil sa isyu ng katiwalian.

Nakasaad sa reklamo na hinimok umano ng KAPA ang mga tao partikukar ang kanilang mga miyembro na mag-invest o mamuhunan sa kanila ng hindi bababa sa sampung libong piso hanggang P2 million at ang kapalit o interes ay 30% na monthly return habambuhay.

More in National News

Latest News

To Top