Connect with us

Kapakanan ng mga taga-KOJC, sanhi ng pagsuko ni Pastor ACQ

Pastor ACQ, lider ng 'bagong yugto' sa Senado

National News

Kapakanan ng mga taga-KOJC, sanhi ng pagsuko ni Pastor ACQ

Kapakanan pa rin ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) missionaries ang iniisip ni Pastor Apollo C. Quiboloy kaya boluntaryo itong sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, nabahala si Pastor Apollo nang makatanggap ito ng mensahe na maaaring hulihin ang lahat ng mga misyonaryo dahil sa gagawing all out search ng Philippine National Police (PNP) sa buong KOJC Compound.

“Galing sa bundok, (and) whether you believe it or not, pumasok siya ulit sa compound to check on his followers and he has to inform them that he has to surrender. This has to end and ang kapakanan daw ng kanyang (mga) miyembro ang pinakaimportante and he even checked on his people.

Kaya yung sabi ni Gen. Torre, ‘andiyan lang yan si Pastor, naglakad-lakad lang ‘yan’, hindi yun totoo until -what you call this- until mga September 7 onwards.

Nakapag-usap kami and ‘yun nga sabi niya, ‘hindi ko na matiis’,’yung kanyang mga miyembro sa kanilang mga sufferings. He did not want the lawless violence to expand further and he wanted to do the ultimate sacrifice.”

Nilinaw rin ni Atty. Torreon na walang galit si Pastor Apollo at hangad lamang nito ay hustisya.

“Si Pastor Apollo C. Quiboloy, sabi nya sa akin, he has no anger in his heart. Wala siyang anger, wala siyang galit sa kanyang puso.

Ang kanyang gusto lamang is of course justice. Ano ang ibig sabihin niyan? Hindi siya galit pero kung sino ang may kasalanan, let justice have its course,” dagdag pa ng butihing abogado.

More in National News

Latest News

To Top