Connect with us

Kapakanan ng PWDs, isusulong ng DSWD sa ilalim ng Marcos admin – Sec. Tulfo

Ipapa-prayoridad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Marcos Admin ang kapakanan ng Persons With Disabilities o PWDs.

National News

Kapakanan ng PWDs, isusulong ng DSWD sa ilalim ng Marcos admin – Sec. Tulfo

Ipapa-prayoridad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng Marcos Admin ang kapakanan ng Persons with Disabilities (PWDs).

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo sa panayam ng Sonshine Radio, ito’y dahil napapansin niyang hindi masyadong natututukan ang kanilang sektor at nagmimistulang napabayaan ang mga ito.

Madalas aniya na humihingi ng tulong ay mga PWD na nakaratay na para sa kanilang maintenance.

“Meron din po tayo ngayong ipinapanukala sa Kongreso at para sa PWDs, lalong-lalo na sa nangangailangan. Sa mga monthly maintenance. Ipinasa na po ng mga kasamahan natin sa Kongreso sa ACT-CIS, para bigyan ng pensyon din ang mga PWD na mga nakaratay,” saad ni Sec. Erwin Tulfo.

Maliban sa PWDs, tutukan rin ni Tulfo ang kapakanan ng single moms, senior citizens at mga batang nasa lansangan.

Bubuo anila sila sa kanyang ahensya ng mga programang tutugon sa mga pangangailangan ng mga ito.

More in National News

Latest News

To Top