Connect with us

Kapatid ng top KJC official, nasa likod ng paninira kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Kingdom News

Kapatid ng top KJC official, nasa likod ng paninira kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Ibinulgar ng isang mataas na opisyal ng The Kingdom of Jesus Christ (KJC) na mismong kapatid niya at pamilya nito ang posibleng nasa likod ng mga karumaldumal na paninira sa Executive Pastor ng KJC na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa isang pahayag, ibinahagi ni Sis. Ingrid Canada, ang chief administrator ng KJC, na mismong kapatid niya at ang pamilya nito ang pasimuno ng kaliwa’t kanang paninira kay Pastor Apollo.

 “We have reasonable grounds to believe that he and/or his immediate family are in connivance with some people who are out to demolish the reputation of our Beloved Pastor,” pahayag ni Sis. Ingrid.

Ayon pa kay Sis. Ingrid, biglaang nagsilabasan ang mga kasong rape, child abuse, at human trafficking laban kay Pastor Apollo matapos umanong tumakas ng KJC ang kanyang kapatid na si Greg Canada at ang pamilya nito.

Si Greg Canada ay dating full-time worker sa KJC; malapit at itinuring kapatid at kanang-kamay ni Pastor Apollo. Kasama ni Greg Canada ang kanyang buong pamilya na siyang sinuportahan at inaruga rin ni Pastor Apollo simula nang sila’y maging full-time workers sa KJC sa loob ng 18 taon.

Dagdag pa rito, ang mga witness at biktima na dating workers sa KJC na silang nagsampa ng kaso laban sa ibang KJC leaders sa California ay mga malalapit kay Greg at sa pamilya nito.

Posible rin umanong ang anak ni Greg na isang lawyer ang nagbigay ng maling impormasyon sa Federal Bureau of Investigation (FBI) dahilan upang magsagawa ang ahensya ng . Dalawa ang anak ni Greg na kapwa babaeng lawyer na siyang inaruga at pinaaral ni Pastor Apollo hanggang sa maging lawyer ang mga ito.

“One of the alleged victims who provided misleading information to the FBI may be her own daughter who is now a lawyer but was practically supported by Pastor Apollo C. Quiboloy from childhood until she became a lawyer,” paglalahad ni Sis. Ingrid.

Nagbigay din si Sis. Ingrid ng iba pang posibleng dahilan kung bakit biglang tumakas sa kongregasyon ang pamilyang ito noong September 2019.


Bawal ang ‘corrupt’ sa KJC

Ang Jose Maria College ay ang educational institution na itinayo ni Pastor Apollo upang tulungan ang mga kapus-palad na gustong mag-aral. Karamihan sa mga estudyante ng JMC ay mga scholar ng butihing Pastor.

Ipinagkatiwala ni Pastor Apollo ang pamamahala ng JMC sa asawa ni Greg habang ang Apollo Air naman ay ipinagkatiwala sa son-in-law nito.

Ilang buwan bago tumakas si Greg at ang pamilya nito, iniutos ni Pastor Apollo na magsagawa ng financial audit sa Jose Maria College (JMC) at Apollo Air.

Lumabas sa isinagawang financial audit na mayroong mga anomalya sa pamamahala ng pera ng JMC at Apollo Air.

Bilang isang taong may integridad at katapatan sa pamumuno, hindi pinalalampas ni Pastor Apollo ang ganitong mga ilegal na gawain lalo na’t ito ay labag sa mismong itinuturo ni Pastor Apollo.

Ngunit bago pa man mapanagot ang mga taong nasa likod nito tumakas na ang mga sangkot noong Setyembre 2019.

Sino si Greg Canada?

Si Greg Canada ay dating full-time worker sa KJC; malapit at itinuring kapatid at kanang-kamay ni Pastor Apollo. Kasama ni Greg Canada ang kanyang buong pamilya na siyang sinuportahan at inaruga rin ni Pastor Apollo simula nang sila’y maging full-time workers sa KJC sa loob ng 18 taon.

Pinaaaral din ni Pastor Apollo si Greg ng Engineering sa Jose Maria College hanggang ito’y makapagtapos.

Noong 2007, tumakbo sa pulitika si Greg at naging chairman ng Barangay Tamayong sa Calinan, Davao City.

Hindi lingid sa kaalaman ni Pastor Apollo at ng KJC na mayroong mga anomalyang ginagawa na itong Si Greg noong siya’y nakaupo pa sa pwesto.

Ilan na nga dito ay nang matuklasan na mayroong 100 ghost employees sa kanyang opisina na ang buwanang sahod ay walang record mula taong 2010 pa. Handa umanong tumestigo laban kay Greg ang mga kasama nito sa kanyang pamahahala.

Dagdag pa rito, may alegasyon din laban kay Greg na nagso-solicit umano ito ng pera sa mga pulitiko, businessmen at ibang high-ranking officials na malapit kay Pastor Apollo, at sinasabing ito ay para sa road construction at rehabilitation. Subalit hindi naman nakita ang mga ito.

Nadiskubre rin na ilegal ding bumili si Greg ng 40-hectare land sa Tamayong  gamit ang pera ng KJC at napag-alamang inalienable ito dahil sa isang government property ito.

 

Nalinlang ang FBI

Samantala, kinuwestyon naman ni Sis. Ingrid ang desisyon ng FBI nang maniwala ang mga ito kay Greg at sa pamilya nito nang hindi muna nagsagawa nang masusing background check bago magsagawa ng raid operations.

“At best, the FBI should have consulted us first because the KJC has been fully cooperating with the American government,” pahayag ni Sis. Ingrid.

Ayon kay Sis Ingrid, ang biglaang pagtakas ng pamilya ay kaduda-duda lalo na’t napagalaman na mayroong korapsyong nagaganap sa Jose Maria College.

Matatandaan na na-trauma ang mga misyonaryo ng KJC dahil sa isinagawang raid operations ng FBI noong Enero A-29. Ito ay matapos silang mabigyan ng maling impormasyon na mayroon umanong  mga armas na itinatago at isinasagawang human trafficking sa mga KLC.

Nanghingi naman ng paumanhin ang FBI matapos makitang walang kalaban-laban ang mga misyonaryo doon at mapayapang gumagawa ng kanilang mga gawain para sa Simbahan.


Katotohananan ang mananaig

Sa isang Thanksgiving and Worship Presentation ng KJC, ibinahagi pa ni Pastor Apollo na itinuturo niya rin ang paggalang at pagsusunod ng batas sa mga miyembro nito:

“Bakit kamo ang gobyerno ng lupa ay dapat sundin? Sapagkat iyan ang sinasabi ng Romans 13 na idinadalangin din natin sila… kaya tayo ay mga God-fearing and law-abiding citizens,” pahayag ni Pastor Apollo.

Handang humarap sa lahat ng mga ibinabatong alegasyon si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Naninindigan ang butihing Pastor sa kanyang misyon na kabutihan lang ang ipalalaganap sa buong sanlibutan.

More in Kingdom News

Latest News

To Top