Metro News
Karagdagang bus para sa mga frontliners, idineploy ngayong araw ng DOTR
Nag-deploy ng mas maraming mga bus ang Department of Transportation (DOTR) para ihatid at sunduin sa mga hospital ang mga health worker at frontliners na lumalaban kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa DOTR, mayroon na ngayong mahigit 70 buses na bumabiyahe ng libre sa Metro Manila.
Mula rin sa inisyal na 3 ruta kahapon, ginawa na itong 9 na ruta ngayong araw.
Maaari naman makita ang mga ruta sa Facebook account ng DOTR.
Posted by Philippine Coast Guard on Wednesday, 18 March 2020
Sinabi ng DOTR na bibiyahe ang mga bus ng 5:00 am to 1:00 pm, 5:00 pm at 9:00 am.
Patuloy ring ipinatutupad ng DOTR sa mga bus service sa containment protocols ng Department of Health (DOH) tulad ng social distancing, body temperature check at regular na pagdisinfect ng mga sasakyan.