Connect with us

Karagdagang visa requirement para sa Chinese tourists, inilabas na ng DFA

Karagdagang visa requirement para sa Chinese tourists, inilabas na ng DFA

National News

Karagdagang visa requirement para sa Chinese tourists, inilabas na ng DFA

Ibinahagi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang karagdagang detalye ng kinakailangang requirement ng Chinese citizens para makakuha ng temporary visitor’s visa sa bansa.

Ayon sa ahensya, kailangan nilang isumite ang kanilang Chinese Social Insurance Record Certificates.

Dapat rin na rehistrado na ito at least 6 na buwan bago ang visa application.

Exempted lang ng visa requirement ay ang Chinese retirees edad mahigit 55 gulang at Chinese netizens na kasalukuyang naka-enroll sa primary, secondary at college education na kinakailangan namang magpakita ng proof of enrollment.

Noong Mayo ay una nang ipinatupad ng DFA ang mas mahigpit na visa requirements sa Chinese tourists gaya ng pagpapakita ng government IDs, bank statements at employment certificates.

Mula din sa 3 ay nasa 10 na ang tatanggapin nilang minimum na bilang para sa group applicants.

Hakbang ito para maiwasan ang umano’y mga iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng ilang Chinese nationals.

More in National News

Latest News

To Top