National News
Karamihan sa mga hinihinalang may COVID-2019, nagnegatibo – DOH
Mahigit kalahati sa hinihinalang kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa Pilipinas ang nagnegatibo sa infection.
Ayon kay Health Usec. Eric Domingo, sa kabuuang 408 Person Under Investigations (PUIs) na naiulat sa bansa, 208 dito ang nagnegatibo kung saan 165 naman ang na-discharge.
Nasa 238 PUIs naman aniya ang nanatiling naka-admit sa iba’t ibang health facilities sa bansa habang 197 na iba pang kaso ang hinihintay ang mga resulta ng laboratory tests.
Nanatili rin sa 3 ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kabilang na rito ang isang nasawi.
Samantala, sinabi ni Domingo na sinusubukan na ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na bumuo ng sub-national reference labs sa Davao at Cebu para sumuri sa COVID-19.