National News
Karamihan sa mga pinoy, tiwalan na kayang talunin ng AFP ang mga rebelde at mga terorista sa bansa
Mayorya ng mga Pilipino ang tiwalang kayang talunin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga rebeldeng komunista at mga terorista sa bansa.
Batay sa fourth quarter 2019 Social Weather Survey, 79 percent ang malaki ang tiwalang kayang talunin ng AFP ang mga rebeldeng komunista o ang CPP-NPA, 4 percent ang maliit ang tiwala habang 17 ang undecided.
Nasa 75 percent naman ang malaki ang tiwala na kayang talunin ng militar ang mga teroristang grupo sa Pilipinas gaya ng Abu Sayyaf at ISIS, 6 percent ang maliiit ang tiwala at 19 ang undecided.
Nakasaad din sa survey na 62 percent ng mga pilipino ang kumpyansang kayang ipagtanggol ng AFP ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea at iba pang lugar laban sa anumang foreign threats.
Habang nasa 12 percent ang maliit lang ang tiwala at 26 ang undecided.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 13 hanggang 16 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 respondents.
Inilabas ang survey matapos ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng bansa sa Estados Unidos.
