Metro News
Kasinungalingan ni Marbil, iniisa-isa ni VP Sara Duterte
Isang open letter ang isinulat ni Vice President Sara Duterte kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil.
Iyan ay kaugnay sa isyu ng pagbabawas ni Marbil ng police security detail ng pangalawang pangulo.
Bagama’t tiniyak ni Vice President Sara na hindi makakaapekto ang direktiba ni Marbil sa kaniyang trabaho bilang pangalawang pangulo.
Pero aniya, hindi niya maatim ang tuloy-tuloy na panlilinlang sa mga Pilipino lalo na kung ang mga kasinungalingan ay mula mismo sa pinakamataas na opisyal ng kapulisan.
Nakasaad sa sulat ni VP Sara, “ Ngunit may problema ako sa mga kasinungalingang ipinapahayag sa taumbayan — lalo na kung ang mga kasinungalingang ito ay mula mismo sa pinakamataas na opisyal ng kapulisan.”
Sabi ni VP Sara sa liham na ang Vice Presidential Protection Division na isinailalim sa PSPG ayon sa utos ng NAPOLCOM ay sadyang ginawa para hindi pakialaman ng mga tulad ni Marbil ang security ng bise presidente.
Isa sa mga ipinunto ni Marbil ay may augmentation ang lokal na pulisya sa security ni Vice President Sara tuwing siya ay bumibista sa mga probinsiya.
Sagot ni Vice President Sara na kaya nga may Vice Presidential Protection Division para walang hablutan at hindi maabala ang trabaho ng mga lokal na pulisya.
Pinasinungalingan naman ng pangalawag pangulo ang sinabi ni Marbil na nag-request ang hepe sa Office of the Vice President na tanggalan siya ng 75 security detail dahil kailangan ng dagdag na tauhan sa Metro Manila.
Sabi ni VP Sara na walang nangyaring request at sinabihan laman sila ng PSPG na kukunin ang mga tauhan. Hindi na sila aniya nakipagtalo dahil punto ni VP Sara na si Marbil naman ang batas.
Paliwanag naman ni Marbil na wala naman silang nakikitang anumang banta laban kay VP kaya kailangang bawasan ang security detail ng pangalawang pangulo.
Pero tanong ni Inday Sara sa hepe na kung ano ba ang ibig sabihin ng “threat” para sa kaniya, kung ang banta ba ay maaari lamang magmula sa mga external elements, at kung hind ba “threat” kung ang harrassment ay nanggaling mismo sa mga tauhan ng gobyerno.
Ipinunto ng pangalawang pangulo ang mga harrasmanet tulad ng malisyosong pagpapalabas ng isang video footage habang siya ay nasa NAIA kung saan kuha ito sa isang lugar na pawang mga empleyado lamang ng paliparan at piling mga tao ang maaring nandoon. Kasama aniyang nakuhanan ang kaniyang asawa at mga anak na naging banta sa kanilang seguridad.
Ibinunyag din nito na kamakailan ay may mga operatiba ng PNP sa lugar kung saan siya nakatira para mag-casing. Pilit aniyang inaalam ang mismong bahay na kaniyang inuupahan at ang bahay kung saan nakatira ang kaniyang mga anak. Buti na lang niya ay napigilan ng mga opisyal ng homeowners’ association.
Dagdag pa na tanong ni Vice President Sara na kung sinasabi ni Marbil ay walang banta sa pangalawang pangulo, bakit pwede pang magrequest ng dagdag na personnel at bakit nagtira pa ng 45 tauhan ng PNP na si Marbil pa ang pumili?
Kaya sabi ng pangalawang pangulo sa hepe, pagdating sa seguridad ng kaniyang pamilya siya ang magsasabi kung sino ang karapat-dapat, hindi si Marbil. Sabi niya kay Marbil, batas lang siya at hindi siya Diyos.
Sabi naman ni Marbil na ang pagrelieve sa mga security detail ni VP Sara ay para sa police visibility.
Para sa pangalawang pangulo maganda sana ang hangarin kung totoo, pero kaduda-duda aniya dahil ang 38 sa 75 PNP personnel ay nagmula pa sa Mindanao at inilipat sa NCR na para bang aniya ay hindi kulang ang pulis sa Mindanao.
Matagal nang isyu ani VP Sara ang kakulangan ng pulis at hindi mahahabol ni Marbil ang police to population ratio sa pagkuha nito ng tauhan sa kaniyang security.
Pagbibigay diin ng pangalawang pangulo na ang kailangan ng PNP ay isang hepe na makabagong mag-isip, at gagamit ng mga mkabagong tekonolohiya para solusyunan ang problema sa peace and order.
Kaya pag-aalala ni Vp Sara na kung kaya ni Marbil na ilagay sa alanganin ang kaniyang seguridad, paano na lang sa karaniwang taumbayan gaya ng ginawang intimidation ng PNP sa mga ordinaryong mamamayan para sa pagsilbi ng arrest warrant kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Sabi ni VP Sara na ang pagtanggal ng mga PNP personnel ay nangyari matapos siyang magbitiw sa Department of Education, pagkatapos niyang inihambing ang SONA sa isang catatrophic event, at kasunod ng paglbas ng cocaine video.
Sinabihan niya si Marbil na huwag nang idamay ang mga mamamayan sa lahat ng mga kasinungalingan. Malinaw aniya na ang nangyayari ay isang political harrassment.
Sa huli, paalala ni VP Sara kay Marbil na laging magsabi ng totoo para hindi magkabuhol-buhol ang kaniyang mga kwento.
