COVID-19 UPDATES
Kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 4,932
Nakapagtala ngayong araw ng 284 panibagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang Department of Health (DOH) sa bansa.
Dahil dito ay umabot na sa 4,932 ang naitalang nagpositibo sa naturang nakamamatay na sakit.
Samantala, 45 naman ang naitalang nakarecover ngayong araw na may kabuuan na 242 habang 18 panibagong bilang ng nasawi.
