COVID-19 UPDATES
Kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa 5,660
Nadagdagan pa ang bilang ng mga gumaling sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa 4:00 PM bulletin ng Department of Health (DOH), 82 ang bilang ng naka-recover sa nakalipas na magdamag.Dahil dito, umakyat na sa 435 ang kabuuang bilang ng gumaling sa nasabing sakit.
Pumalo naman sa 5,660 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Habang 13 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kung saan pumalo na sa 362 ang kabuuang bilang nito.
Umaasa naman ang kagawaran na patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nakakarecover sa COVID-19 sa mga susunod na araw kumpara sa mga nasasawi dito.