National News
Kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat sa 24
Umakyat pa sa 24 katao ang apektado sa kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malakanyang kagabi.
Kabilang sa may bagong kaso ng COVID-19 ay ang West Crame, San Juan City, Sta. Maria Bulacan at Quezon City.
12 sa mga bagong kaso ay pawang mga Pinoy, isa ang American at isang Taiwanese national.
Umaasa naman ang pangulo na gagaling ang 24 na apektado ng sakit.