Connect with us

Kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, umabot na sa 65

Pinabubuo ni PNP chief Eleazar ang PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) ng database ng mga pulis na nasibak sa serbisyo.

COVID-19 UPDATES

Kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, umabot na sa 65

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 6 na panibagong na kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kung saan umaabot na sa 65 ang kabuuang bilang ng PNP personnel na tinamaan ng nasabing sakit.

Ayon PNP Health Service Director Police Brigadier General Herminio Tadeo Jr., kabilang sa karagdagang kaso ng COVID-19 ay ang isang 36 na taong gulang na lalaking pulis, isang 29 taong gulang na babaeng pulis, isang 36 taong gulang na babaeng pulis, isang 29 taong gulang na lalaking pulis, isang 47 taong gulang na lalaking pulis at isang 33 taong gulang na lalaking pulis na mga talaga sa Metro Manila.

PNP NOTES 6 NEW CONFIRMED CASES OF COVID-19As of today, April 17, PNP Health Service Director, Police Brigadier…

Posted by Philippine National Police on Friday, 17 April 2020

Mayroon ding 51 PNP personnel ang probable persons under investigation (probable PUIs) at 501 ang suspected persons under investigation (suspected PUIs).

Habang 557 PNP personnel naman ang nakumpleto na ang self at home quarantine.

Aabot sa 37 PNP personnel ang naka-admit sa NHQ-PNP COVID-19 Patient Care Center sa Camp Crame habang 103 sa Spring Hotel.

Sa ngayon, 3 PNP personnel na ang nasawi habang 8 ang naka-recover.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top