COVID-19 UPDATES
Kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, umakyat na sa 13
Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na nasa 13 na ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kanilang hanay.
Sa datos na ipinalabas ng PNP Health Service, umakyat na sa 182 ang persons under investigation (PUI) habang 1,545 ang persons under monitoring (PUM).
Binuksan naman ang Kiangan Billeting Center sa loob ng Camp Crame para sa lahat ng PNP personnel na kailangan mag-self quarantine.
Dahil dito, hinihikayat ang lahat ng mga kampo ng police at regional offices na magkaroon ng sariling quarantine areas para sa kanilang mga tauhan lalo na at laging expose ang mga ito bilang frontliner sa kanilang nasasakupan.