COVID-19 UPDATES
Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nadagdagan pa ng higit 400
Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Sa monitoring ng Department of Health (DOH), nakapagtala ito ng 414 na panibagong kaso sa loob isang araw.
Dahil dito, umabot na sa 3,660 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa bansa.
Mula sa nasabing bilang, 143 dito ang namatay matapos madagdagan ng 11 dahil sa virus habang nasa 73 na ang gumaling sa sakit.
Samantala, ayon sa World Health Organization (WHO), lumobo na sa 62,784 ang pumanaw dulot ng virus sa buong mundo habang 1,133,758 na ang positibong tinamaan ng naturang virus.