COVID-19 UPDATES
Kaso ng COVID-19 sa QC, umabot na sa 942
Umabot na sa 942 ang positibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City ayon sa datos ng Department of Health (DOH).
Sa QC COVID-19 update, sinabi ng QC Government na sa nasabing bilang, 747 ay may kumpletong address sa lungsod habang nasa 597 ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.
Umakyat na rin sa 61 ang bilang ng mga nasawi, nasa 64 na ang nakarekober na sa sakit at nasa 472 ang active o recovering cases.
Mayroon din ang lungsod ng 102 na suspected cases na kabilang sa contact traced.
Samantala, nasa 31 pa ring barangay sa Quezon City ang nakasailalim sa extreme enhanced community quarantine.
Kabilang pa rin dito ang barangay Maharlika, San Isidro Labrador at Teachers Village West kahit wala ng naitalang active cases dito.