Connect with us

Kaso ng COVID-19 sa QC, umabot na sa 982

Kaso ng COVID-19 sa QC, umabot na sa 982

COVID-19 UPDATES

Kaso ng COVID-19 sa QC, umabot na sa 982

Umabot na sa 982 ang positibong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City ayon sa datos ng Department of Health (DOH).

Sa QC COVID-19 update, sinabi ng QC Government na 812 dito ay may kumpletong address sa lungsod.

Sa nasabing bilang, nasa 661 ang kumpirmado na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU).

Umakyat na rin sa 79 ang bilang ng mga nasawi, nasa 72 na ang nakarekober na sa sakit at nasa 510 ang active o recovering cases.

Mayroon na rin ang lungsod ng 102 na suspected cases na kabilang sa contact traced.

Samantala, bilang ng nakarekober sa San Juan, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ng 3 ang bilang ng mga nakarekober sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng San Juan.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, mula sa 33 ay 36 na ang gumaling sa sakit sa kanilang lungsod.

Naungusan na aniya nito ang bilang ng mga nasawi na nasa 31.

Sa kabuuan, mayroon na ang San Juan ng 170 confirmed COVID-19 cases kung saan pinakamaraming naitala sa Barangay Greenhills na may 35 cases at sinundan ng West Crame na may 17.

Habang mayroon ang lungsod ng 347 suspected cases.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top