National News
Kaso ng dengue sa bansa, bumaba sa kabila nang nararanasang panahon ng tag-ulan
Bumagal ang pagdami ng kaso ng dengue sa kabila nang nararanasang panahon ng tag-ulan sa bansa.
Ito ang inihayag ni Dr. Noni Evangelista, program manager ng national aedes-borne viral diseases prevention and control program.
Ayon pa kay Dr. Noni, noong nakaraang taon, umabot sa 430, 282 ang kabuoang kaso ng dengue, samantala ngayong taon, nasa 59,675 ang naitalang kaso simula January 1 hanggang August 15.
Dagdag pa nito, noong nakaraang taon ay nag-deklara tayo ng dengue outbreak.
Aniya, nasa 76% ang binaba ng kaso kung ikukumpara noong nakaraang taon.
Ngayong taon nasa 231 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng dengue, ‘di hamak na mas mababa kung ikukumpara noon taon na umabot sa 1,612.
Maging ang mga kaso ng leptospirosis ay bumaba rin, ani Dr. Noni.
Ito ay sanhi nang pananatili ng mga tao sa bahay sa panahon nang pina-iiral na community quarantine.