Connect with us

Kaso ng dengue sa bansa, dumoble sa unang quarter ng 2023

Kaso ng dengue sa bansa, dumoble sa unang quarter ng 2023

National News

Kaso ng dengue sa bansa, dumoble sa unang quarter ng 2023

Mula January 01 – March 18, nakapagtala ng 27,670 dengue cases ang bansa ayon ito sa Department of Health (DOH)-Disease Surveillance Report.

Kung ikukumpara ito sa mga datos sa magkatulad na panahon noong nakaraang taon ay dumoble ang mga kaso ng ngayon.

Nakapagtala lang kasi ng 14,278 infections ang bansa noong January 01 – March 18.

Sa kabuuan nasa 94% ang itinaas ng dengue cases sa bansa mula sa unang quarter ng taon.

Bilang ng kaso ng dengue sa bansa sa unang quarter ng taon:

January 01 – March 18 2023: 27,670

January 01 – March 18 2022: 14,278

Sakabila nito mas mababa naman ang naitalang fatality rate o bilang ng mga namatay dahil sa dengue kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Fatality rate ng Dengue sa unang quarter ng taon:

January 01 – March 18 2023: 92

January 01 – March 18 2022: 100

Sa mga rehiyon, ang National Capital Region (NCR) ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso kung saan nakapagtala ito ng 3,898 sinundan naman ito ng Central Luzon na may 3,053 dengue cases at Davao Region na nakapagtala ng 2,707.

Ang bahagi ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon) at Northern Mindanao ay parehong nakapagtala ng mataas na kaso na nakapagtala ng 2,699 at 2,380.

More in National News

Latest News

To Top